Sikyu nang-hostage napatay
March 4, 2003 | 12:00am
ANGELES CITY, Pampanga Dahil sa pagkalango sa alak ay naging ugat para mabaril at mapatay ang isang security guard ng mga miyembro ng Special Weapons And Tactics (SWAT) makaraang mang-hostage ng pasahero sa loob ng dyip sa Balibago sa lungsod na ito kamakalawa ng gabi.
Isinugod sa Angeles University Medical Center si Gina Sapungan, 37, ng Barangay Pampang, Angeles City, dahil sa tama ng bala ng baril sa balikat. Samantala, ang suspek na nagtamo ng dalawang tama ng bala ng baril sa ulo ay nakilalang si Conrado Miranda, ng Magalang, Pampanga, security guard ng Royal Security Agency.
Base sa ulat ng pulisya, lango sa alak si Miranda nang biglang tumayo at tinangkang paandarin ang nakaparadang motorsiklo, ngunit ayaw umandar ang makina kaya napilitang maglakad patungo sa kanto ng Field Avenue.
Habang naglalakad ay tatlong beses na nagpaputok ng baril sa ere hanggang sa sumakay sa hinarang na pampasaherong dyip sa MacArthur Highway.
Ayon pa sa pulisya, nagkaroon ng komosyon sa loob ng dyip hanggang sa bumaba ang driver at ipinagbigay-alam sa nagpapatrulyang pulis.
Dito na pinaligiran ng mga pulis ang dyip at dahil sa hindi makuha sa pakikipagnegosasyon ang hostage taker ay nakatiyempong mabaril sa ulo si Miranda. (Ulat ni Pesie Miñoza)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended