^

Probinsiya

Air attack: 10 MILF patay

-
COTABATO Sampung gerilyang Muslim ang napatay nang magsagawa ng air assault ang tropang sundalo ng pamahalaan sa mga rebelde na nagpaplano na namang pasabugin ang power transmission towers sa katimugang bahaging ito, pahayag sa report kahapon.

Linggo pa lamang ay nagpakalat na ng mga sundalo sa boundary ng mga bayan ng Datu Paglas at Buluan sa Mindanao island matapos na isumbong ng mga residente ang tungkol sa balak ng MILF.

May 100 MILF rebels ang namataan na nagtitipon sa nasabing lugar at dito sila natiyempuhan ng mga sundalo.

Dalawang OV-10 bomber planes agad ang bumomba sa rebel positions na nag-iwan agad ng 10 MILF rebels na patay, pahayag ni regional army spokesman Major Julieto Ando.

Sinabi ni local army brigade commander Colonel Agustin Dima-ala na plano nilang bombahin ang steel towers bilang bahagi ng kanilang destabilization offensive sa mga non-combatants at non-military targets.

Naubusan na umano ng mga bala at lakas sa pagtakbo ang mga rebelde kaya ibinaling nila ang kanilang natitirang puwersa sa destabilisasyon.

Una rito, nagsabog ng dilim ang MILF sa buong Mindanao nang mag-blackout ang buong rehiyon matapos pasabugin ang transmission towers kung saan 18 milyon katao ang naperwisyo.

Ang 12,500-member MILF ay may dalawang dekada nang nakikipaglaban para sa pagtatayo ng isang independent Islamic state.

BULUAN

COLONEL AGUSTIN DIMA

DALAWANG

DATU PAGLAS

LINGGO

MAJOR JULIETO ANDO

MINDANAO

NAUBUSAN

SAMPUNG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with