Lolo patay sa salpok ng van

STA. ROSA, Nueva Ecija Isang 68-anyos na lolo ang iniulat na nasawi makaraang masalpok ng van habang ang biktima ay nagbibisikleta sa kahabaan ng Maharlika Highway na sakop ng Barangay Valenzuela sa bayang ito kamakalawa ng gabi.

Idineklarang patay sa Nueva Ecija Doctor’s Hospital si Pablo Esmundo, biyudo, ng Barangay Cojuangco ng bayang ito, samantala, sumuko, naman ang driver ng van na si Frankie Sembrano Jr., ng Camp 3, Barangay Kita-Kita, San Jose City, Nueva Ecija.

Naitala ang aksidente dakong alas-6:15 ng gabi matapos na lumiko ng pakaliwa ang biktimang nagbibisikleta papauwi. (Ulat ni Christian Ryan Sta. Ana)

Show comments