2 doktor hinatulang mabilanggo
March 2, 2003 | 12:00am
DAGUPAN CITY, Pangasinan Dalawang doktor ang iniulat na hinatulan ng mababang korte na mabilanggo makaraang mapatunayang nagkasala sa kasong reckless imprudence na naging sanhi para mamatay ang kanilang pasyenteng 10-taong gulang na batang lalaki noong Hunyo 2000.
Sa pitong pahinang desisyon na may petsang Pebrero 28, 2003 ni Regional Trial Court Judge Crispin Laron ng Branch 44, pinatawan ng apat na buwan hanggang apat na taon sina Dr. Antonio Cabugao at Dr. Clenio Ynzon.
Bukod sa hatol ay pinagbabayad pa ng korte ang dalawang akusado ng P1-milyon bilang moral damages; P.1-milyon (exemplary damages) at P.1-milyon bilang actual damages sa naulila ni Palma Jr.
Base sa record ng korte, lumalabas na kapabayaan ng dalawang doktor ang pagkamatay ni Palma Jr. dahil sa appendicitis.
Binigyan diin ng korte na ipinaubaya ng dalawang doktor sa resident physician na nasa ilalim pa ng pagsasanay.
Nahaharap din ang dalawa sa kasong administratibo na nakabimbin sa Professional Regulation Commission for malpractice na isinampa ng abogado ng magulang ng biktima. (Ulat ni Eva Visperas)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended