Lolo patay sa ligaw na bala

CAMP PANTALEON GARCIA, Cavite – Hindi inakala ng isang 75-anyos na lolo na magkakasama sila ng kanyang kaibigan sa libingan makaraang tamaan ng ligaw na bala ng baril ang biktima habang nakikipaglibing sa Barangay Baliwag, Magallanes, Cavite.

Isang tama ng bala ng kalibre .45 baril sa dibdib ang tumapos sa buhay ni Ben Hernandez, biyudo ng Barangay Suha, samantala, ang suspek na bineberipika pa ang pagkikilanlan ay mabilis na tumakas matapos ang pangyayari dakong ala-1:20 ng hapon.

Sa inisyal na pagsisiyasat ni SPO1 Eduardo Noveno, nakipaglibing ang biktima sa kaibigang pumanaw at naparaan sa nag-aaway na dalawang lalaki hanggang sa humantong sa barilan kaya tinamaan ng ligaw na bala ang matanda. (Ulat ni Cristina G. Timbang)

Show comments