Inirekomenda naman magpiyansa ni RTC Judge Eduardo Israel Tantuanco ng Branch 89, Bacoor, Cavite si Carmona Vice Mayor Amador Alumia sa kasong isinampa ni Councilor Domingo Tinedoro.
Nag-ugat ang pagsasampa ng kasong estafa laban kay Alumia matapos na hindi makapagbayad ng P300,000 sa isang restaurant sa Bacolod City kasama ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan.
May palagay naman si Alumia na political harassment ang ginawa sa kanya. (Ulat ni Cristina G. Timbang)