3 estudyante na dinukot nailigtas ng PNP
March 1, 2003 | 12:00am
CAMP CRAME Walang sagabal na nailigtas kahapon ng mga awtoridad ang tatlong estudyante mula sa Mindanao State University na kinidnap noong Miyerkules ng gabi sa Barangay Tukot, Marawi City.
Bandang alas-8 ng gabi ng maispatan ng pulisya ang mga kidnaper kasama ang tatlong bihag na sina Reyaine Cericas, Maritess Ngojo at Analyn Kalyat sa bisinidad ng Balindong, Lanao del Sur.
Napag-alaman pa sa ulat na nakarating kahapon sa Camp Crame, nagkaroon ng maikling palitan ng putok bago tuluyang iwanan ng mga kidnaper ang tatlo para mabilis umiwas sa mga tumutugis na pulis.
Patuloy naman nagsasagawa ng follow-up operation ang pulisya at militar para mailigtas din ang kinidnap na si Rhede Nelson Manulat, professor sa College of Business Administration, Mindanao State University. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest