2 todas sa holdaper
February 28, 2003 | 12:00am
SAN ANTONIO, Quezon Pinagtulungang barilin at saksakin hanggang sa mapatay ang driver, pahinante ng isang cargo truck ng tatlong holdaper makaraang makiangkas sa minamanehong sasakyan ng mga biktima sa kahabaan ng Barangay Loob sa bayang ito kamakalawa ng gabi.
Duguang iniwan ng mga holdaper ang bangkay nina Randy Cortezano, driver at kasamahang si Amado Yap, samantala, kasalukuyang nakikipaglaban kay kamatayan sa San Pablo District Hospital ang isa pang pahinanteng si Ray Culvito na pawang residente ng San Isidro Balagbag, San Pablo City.
Sa ulat na isinumite kay P/Sr. Supt. Ricardo Padilla, naitala, ang pangyayari bandang alas-siyete ang gabi habang nagmamaneho ng truck (WSL-797) patungong San Pablo City mula sa Padre Garcia, Batangas.
Ilan sa mga nakasaksi na pinara ng mga hindi kilalang lalaki ang truck ng mga biktima at sa pag-aakalang hindi mga holdaper ay sandaling huminto at tiwalang nagmagandang-loob na iangkas.
May teorya ang pulisya na hindi inakala ng mga biktima na holdaper ang kanilang naiangkas kaya naganap ang malagim na trahedya. (Ulat ni Tony Sandoval)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended