Professor, 3 estudyante kinidnap
February 28, 2003 | 12:00am
CAMP CRAME Isang professor at tatlong estudyante mula sa Mindanao State University (MSU) ang iniulat na kinidnap ng mga hindi kilalang armadong kalalakihan habang ang tatlo ay sakay ng pampasaherong dyip sa kahabaan ng Barangay Tukot, Marawi City kamakalawa ng gabi.
Kasalukuyang nagsasagawa ng malawakang pagtugis ang tropa ng militar para mailigtas ng buhay sina Rhede Nelson Manulat, guro sa College of Business Administration sa MSU at residente ng Iligan City; Reyane Cericas, Maritess Ngojo at isang bineberipika pa ang pagkakakilanlan na pawang estudyante sa nabanggit na unibersidad.
Sa ulat na nakarating kahapon sa Camp Crame, naitala ang pangyayari bandang alas-6:30 ng gabi matapos na bumaba ang tatlong estudyante sa sinakyang dyip saka sapilitang isinakay sa isang pumpboat patungo sa Balindong, Lanao del Sur.
Kasunod nito, niatala naman ang pagdukot kay Manulat bandang alas-11:45 ng gabi matapos na pasukin ang opisina nito ng mga hindi kilalang armadong kalalakihan.
May palagay ang mga imbestigador na pawang security guard na tinanggal sa trabaho ang responsable sa pagdukot at sinilisip din ang grupo ng rebeldeng Moro Islamic Liberation Front (MILF). (Ulat ni Danilo Garcia at Lino Dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
11 hours ago
Recommended