Babae nasunog ng buhay sa kotse
February 27, 2003 | 12:00am
BIÑAN, LAGUNA Nasunog ng buhay ang isang babae matapos na umapoy at tuluyang sumiklab ang sasakyan nito nang aksidenteng bumangga sa isang 10 wheeler truck na puno ng kargang hollow blocks sa kahabaan ng South Luzon Expressway sa bayang ito kamakalawa ng hatinggabi.
Ayon sa mga awtoridad, ang biktima ay kinilalang si Mary Joyce Caunan, tinatayang nasa late 20s ang edad at residente ng Calatagan, Batangas base na rin sa nakuhang rehistro ng kotse nitong Toyota Alvis na may plakang VEG 199.
Base sa pahayag ni Orly Lanuza, radio operator ng Philippine National Construction Corp. (PNCC), ang behikulo ng biktima ang siyang sumalpok sa truck na may plakang WGR 499 malapit sa Southville Subdivision sa northbound lane ng expressway.
Sa lakas umano nang pagkakabangga ay tumilapon ng ilang metro ang sasakyan ng biktima at ilang saglit pa ay tuluyan itong nagliyab.
Agad namang nagresponde ang mga elemento ng PNCC sa tulong ng dalawang fire trucks mula sa Biñan at Carmona, Cavite.
Bagaman na-trapped sa drivers seat ang biktima at sa kabila rin nang pagkasunog ng katawan nito ay maaari pa itong makilala ng kanyang mga kamag-anak.
Isinasailalim pa sa masusing imbestigasyon ng mga awtoridad ang kaso. (Ulat ni Nikko Dizon)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest