^

Probinsiya

Habambuhay sa magkapatid na namugot ng ulo

-
MALOLOS CITY, BULACAN – Habambuhay na pagkabilanggo ang iginawad na hatol ng korte kahapon sa isang magkapatid na lalaki na brutal na pumaslang sa isang magsasaka na pinugutan ng ulo may sampung taon na ang nakakaraan.

Sa 17 pahinang desisyon na ipinalabas ni Judge Manuel DJ Siyangco ng Regional Trial Court (RTC) Branch 6 ng lungsod na ito, napatunayang nagkasala ang magkapatid na sina Eduardo at Arturo Ileto, pawang residente ng San Rafael sa lalawigang ito.

Ang magkapatid ay hinatulan sa salang pagpatay sa biktimang si Francisco de Jesus na kanilang kapitbahay noong gabi ng Pebrero 13, 1993 matapos itong pagsasaksakin at pugutan ng ulo.

Pinagbabayad din ng korte ang magkapatid ng halagang P150,000 danyos perwisyos at bilang benepisyo sa mga naulila ng nasawi.

Base sa rekord ng korte, maliban sa pagpugot sa ulo ng biktima ay pinutulan din ito ng ari ng magkapatid na akusado at saka itinapon sa ilog ang bangkay kung saan ito’y natagpuang lumulutang.

Hindi tinanggap ng husgado ang depensa ng magkapatid na wala silang kinalaman sa pagpaslang sa biktima matapos na makapagharap ng matibay na ebidensiya at positibong ituro ng mga testigo. (Ulat ni Efren Alcantara)

ARTURO ILETO

EDUARDO

EFREN ALCANTARA

HABAMBUHAY

JUDGE MANUEL

MAGKAPATID

PEBRERO

PINAGBABAYAD

REGIONAL TRIAL COURT

SAN RAFAEL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with