Gayunman, kasalukuyan pang bineberipika ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng biktima.
Batay sa report ng pulisya, dakong alas 2:40 ng hapon nang matagpuan ng mga residente dito ang bangkay ng biktima sa madamong bahagi ng zigzag road ng nabanggit na lugar.
Napag-alaman na hirap ang pulisya na kilalanin ang biktima matapos na mawasak ang mukha nito sa tama ng bala.
Ayon sa teorya ng pulisya, posible umanong ang biktima ay sa ibang lugar pinaslang at dito lamang itinapon upang ilihis ang imbestigasyon.
Nanawagan naman ang pulisya sa sinumang nawawalan ng kamag-anak na makipagtulungan sa kanilang tanggapan upang mapabilis ang pagtukoy sa biktima. (Ulat ni Cristina Go-Timbang)