^

Probinsiya

Indonesian hostage ng ASG namatay

-
CAMP AGUINALDO – Matapos ang walong buwang pagkakabihag sa kamay ng mga bandidong Abu Sayyaf Group (ASG), nasawi umano matapos dapuan ng malubhang karamdaman ang isa sa tatlo pang nalalabing hostage na Indonesian crewmen sa lalawigan ng Sulu.

Ang pagkasawi sa hindi pa matiyak na karamdaman ng nasabing Indonesian ay kinumpirma ni Brig. Gen. Romeo Tolentino, Deputy Commander ng AFP Southcom.

Ayon kay Tolentino, natuklasan ang pagkamatay ng dayuhang bihag matapos ang isang sagupaan sa pagitan ng tropa ng pamahalaan at ng may 20 bandido kahapon ng umaga sa Sulu pero siniguro ng opisyal na hindi sa bala namatay ang naturang hostage.

Sinabi ni Tolentino na nagkawatak-watak na rin ang grupo ng ASG bunsod na rin ng masusing operasyon ng militar laban sa mga ito at sa iba pang lokal na terorista.

Ipinagmalaki naman ni Tolentino na umaabot na lamang sa 225 ang kabuuang miyembro ng bandidong grupo subalit nagsasagawa pa rin ang mga ito ng recruitment.

Sa kasalukuyan ay hawak pa rin ng mga bandido ang dalawa pang Indonesian crewmen at apat pang miyembro ng Jehovah’s witness na ipinagpapalipat-lipat ng mga ito ng taguan sa kagubatan ng Sulu.

Magugunita na hinostage ng mga bandido ang grupo ng mga Indonesian crewmen habang naglalayag lulan ng MT Sentinel 88 malapit sa Capul Island sa pagitan ng karagatan ng Basilan at Sulu noong nakalipas na Hunyo 17, 2002. (Ulat ni Danilo Garcia)

ABU SAYYAF GROUP

AYON

BASILAN

CAPUL ISLAND

DANILO GARCIA

DEPUTY COMMANDER

HUNYO

ROMEO TOLENTINO

TOLENTINO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with