Hindi na umabot ng buhay sa pagamutan ang biktimang nakilalang si Richard Ilagan, naninirahan sa naturang barangay na nagtamo ng tama ng bala mula sa di pa mabatid na kalibre ng baril.
Pinaghahanap naman ang mga suspek na mabilis na tumakas na nakilalang si Joan Lagrimas, 21 at isang di pa nakilala.
Base sa imbestigasyon ng pulisya, dakong alas 8:30 ng gabi habang naglalakad pauwi ng kanilang bahay ang biktima galing sa tahanan ng nililigawan nitong dalaga na di kalayuan sa pinangyarihan ng krimen.
Bigla na lamang umanong sumulpot mula sa madilim na bahagi ng kalye ang mga suspek at binaril ang biktima nang malapitan.
Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon sa kaso. (Ulat nina Tony Sandoval/Celine Tutor)