Binata tinodas ng karibal na tomboy
February 25, 2003 | 12:00am
SARIAYA, QUEZON Selos ang naging mitsa ng buhay ng isang 20 anyos na binata matapos itong tambangan at barilin nang malapitan ng isang tomboy at isa pa nitong di nakilalang kasama sa Brgy. Bignay ng bayang ito kamakalawa ng gabi.
Hindi na umabot ng buhay sa pagamutan ang biktimang nakilalang si Richard Ilagan, naninirahan sa naturang barangay na nagtamo ng tama ng bala mula sa di pa mabatid na kalibre ng baril.
Pinaghahanap naman ang mga suspek na mabilis na tumakas na nakilalang si Joan Lagrimas, 21 at isang di pa nakilala.
Base sa imbestigasyon ng pulisya, dakong alas 8:30 ng gabi habang naglalakad pauwi ng kanilang bahay ang biktima galing sa tahanan ng nililigawan nitong dalaga na di kalayuan sa pinangyarihan ng krimen.
Bigla na lamang umanong sumulpot mula sa madilim na bahagi ng kalye ang mga suspek at binaril ang biktima nang malapitan.
Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon sa kaso. (Ulat nina Tony Sandoval/Celine Tutor)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest