7 Moro rebels, militiamen patay sa bakbakan
February 23, 2003 | 12:00am
CAMP SIONGCO, Maguindanao Pitong rebeldeng Moro Islamic Liberation Front (MILF), isang kasapi ng Civilian Volunteer Organization ang iniulat na nasawi, samantalang lima pang iba, kabilang na ang pitong-taong gulang na batang lalaki ang malubhang nasugatan makaraang muling rumesbak ang mga rebelde sa ibat ibang bayan sa Central Mindanao kahapon.
Kabilang sa iniulat na nasawi ay nakilalang sina Salaman Montaser, kilalang tauhan ni Tahir Alonto, lider ng Pentagon Gang kidnap-for-ransom; anim pang rebelde na bineberipika ang pagkikilanlan at Talib Akmad, kasapi ng CVO na pinatay sa kanilang bahay sa bayan ng Alamada, Pikit, North Cotabato, samantala, ang anak ni Akmad na si Adta ay tinamaan ng ligaw na bala ng baril at nasa kritikal na kondisyon.
Sa muling pagresbak ng Moro rebels sa Barangay Nalapaan, Pikit ay nakasagupa ng tropa ng militar kaya tumagal ng sampung minutong palitan ng putok hanggang sa umatras ang mga rebelde.
Samantala, tinangka namang lusubin ng mga rebelde sa pamumuno ni Commander Marka Kamid ang militia outpost sa Talitay, Maguindanao, ngunit naipagtanggol naman ng mga militiamen na ikinasugat naman nina Farouk Aspi at Simeon Salganun.
Hindi naman nagbigay ng pagkain at pera sa apat na MILF rebels ang mga residente kaya nagsimulang atakihin ang mga outpost ng military. (Ulat ni John Unson)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest