^

Probinsiya

Sulyap Balita

-
Barangay kagawad itinumba
GENERAL LUNA, Quezon –Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang barangay kagawad ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) habang ang biktima ay nakikipag-inuman ng alak sa kanyang pinsan sa Barangay Sumilang sa bayang ito kamakalawa ng gabi.

Si Jose Cabangon, 40 ay itinumba ng mga rebeldeng nakilalang sina Efren "Ka Raymart" Ormos, Ka Niel, Ka Mike saka nagsitakas matapos isagawa ang pamamaslang dakong alas-8 ng gabi.

May palagay ang pulisya na inakala ng mga rebelde na nagbibigay ng impormasyon laban sa makakaliwang kilusan sa militar at pulisya ang biktima kaya pinatahimik. (Ulat ni Tony Sandoval)
4 kabataang NPA nasakote
CAMP AGUINALDO – Apat na kabataan na pinaniniwalaang kasapi ng communications and technology team ng rebeldeng New People’s Army (NPA) ang dinakip ng pinagsanib na elemento ng pulisya at 20th Special Forces Company sa Barangay Baybayin, Rosario, Batangas kamakalawa ng gabi.

Sina Ivanhoe Barra, Efren Baay, Efren Deladia at Arthur Gonzales ay nasabat habang nakasakay sa pampasaherong dyip makaraang makatanggap ng impormasyon ang mga awtoridad na may mga rebeldeng kabataan na luluwas sa kabayanan.

Narekober ng mga awtoridad mula sa mga rebelde ang apat na baril, laptop, 3 cellphone, pocket computer, 5 diskette at mga subersibong dokumento. (Ulat ni Danilo Garcia)
Magsasaka ginilitan ng magpinsan
CAMP PANTALEON GARCIA, Cavite – Pinaniniwalaang hindi nagkasundo sa usaping paliga ng basketball kaya naging ugat ng kamatayan ng isang 38-anyos na magsasaka makaraang gilitan at ibaon sa buhangin ng magpinsan sa Barangay Lantic, Carmona, Cavite kamakalawa ng gabi.

Nadiskubre ng mga residente ang bangkay ng biktimang si Dominador Rebete matapos na lumitaw ang kamay mula sa mababaw na hukay malapit sa ilog.

Tinutugis naman ang magpinsang suspek na sina Matias Piad, 32 at Armando Elorde, 19, na may nakabinbin din kasong murder sa Leyte.

Naitala ni SPO2 Samuel Managbanag ang krimen dakong alas-6 ng gabi matapos na magkainitan sa naturang usapin at humantong sa pamamaslang. (Ulat ni Cristina G. Timbang)
2 suspek sa Zamboanga masaker timbog
CAMP AGUINALDO – Dalawang kalalakihan na responsable sa pananalakay at pagmasaker ng labing-apat na katao ang iniulat na nasakote ng tropa ng militar sa isinagawang operations kamakalawa ng gabi sa Zamboanga del Norte.

Positibong kinilala ng isa sa mga nakaligtas sa masaker ang mga suspek na sina Jafael "Kasato" Lamanda at Baser Alindang na kapwa residente ng South Islam, Barangay Poblacion, Calauit ng naturang lugar.

Itinanggi naman ng dalawa na sila ay kasama sa naganap na masaker ng 14 katao at panununog ng limang kabahayan. Masusing nagsisiyasat naman ang militar upang matukoy ang grupo na gumawa ng karumal-dumal na krimen na ang layunin ay siraan ang mga rebeldeng MILF. (Ulat ni Danilo Garcia)

ARMANDO ELORDE

ARTHUR GONZALES

BARANGAY BAYBAYIN

CENTER

DANILO GARCIA

NEW PEOPLE

ULAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with