^

Probinsiya

Tower ng Napocor pinasabog ng MILF

-
ZAMBOANGA – Pinasabog ng mga rebeldeng Moro Islamic Liberation Front (MILF) ang tower ng National Power Corportion (NAPOCOR) sa Bayan ng Carmen, North Cotabato kahapon na nagresulta para mawalan ng supply ng kuryente ang nabanggit na bayan.

Napag-alaman na isa pang bomba ang namataan ng militar sa ikalawang tower ng kuryente, ngunit kaagad namang naagapan.

Sinabi ni Major Julieto Ando, tagapagsalita ng militar na ang pagpapasabog sa tower ng Napocor ay ikapitong tower na ang nawawasak ng mga rebelde nitong buwan.

Aniya na matindi ang ginagawang resbak ng mga rebeldeng MILF dahil sa pagkakakubkob ng tropa ng militar sa Buliok complex na ikinasawi ng aabot sa 200 rebelde noong nakalipas na linggo.

"Ang pagpapasabog ng mga tower ng Napocor ay paghihiganti lamang ng mga rebelde sa sinakop na malaking kampo," ani Ando.

Inakusahan din ng militar ang mga rebeldeng MILF sa naganap na pagmasaker sa 14 na sibilyan sa isang liblib na barangay sa Zamboanga del Norte.

vuukle comment

ANDO

ANIYA

BAYAN

BULIOK

INAKUSAHAN

MAJOR JULIETO ANDO

MORO ISLAMIC LIBERATION FRONT

NAPOCOR

NATIONAL POWER CORPORTION

NORTH COTABATO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with