^

Probinsiya

Kababayan Center nilusob ng NPA: Barangay Chairman patay

-
CAMP SIMEON OLA, Legazpi City – Isang barangay chairman ang kumpirmadong nasawi, samantala, dalawang miyembro ng Civilian Volunteer Organization (CVO) ang nasugatan makaraang lusubin ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) ang Kababayan Center sa Barangay Bayombon, Masbate kamakalawa ng umaga.

Kinilala ng pulisya ang napatay na opisyal ng barangay na si Geraldo "Laloy" Danao, 34, may asawa, barangay chairman ng Brgy. Mapena habang sina Cyrus Francisco at Roldan Montes na nakatalaga sa Bayombon Kababayan Center ay ginagamot sa Masbate Provincial Hospital.

Naitala ng pulisya ang pangyayari dakong alas 5:30 ng umaga matapos na salakayin ng mga rebelde ang naturang lugar.

Narinig naman ng biktima na kasalukuyang nag-aalmusal ang sunud-sunod na putukan kaya kaagad na nagresponde ngunit sinalubong ng putok ng mga rebelde na ikinasawi nito.

Pinaputukan din ng mga rebelde ang dalawang kasapi ng CVO at ilang pulis na rumesponde sa Kababayan Center.

Nagsasagawa na ng manhunt operation ang pinagsanib na puwersa ng Masbate Provincial Police Office at 506th Police Provincial Mobile Group laban sa mga rebelde. (Ulat ni Ed Casulla)

BARANGAY BAYOMBON

BAYOMBON KABABAYAN CENTER

CIVILIAN VOLUNTEER ORGANIZATION

CYRUS FRANCISCO

ED CASULLA

KABABAYAN CENTER

LEGAZPI CITY

MASBATE PROVINCIAL HOSPITAL

MASBATE PROVINCIAL POLICE OFFICE

NEW PEOPLE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with