Lolo sinunog ng mga adik

KAMPO HEN. ALEJO SANTOS, Bulacan – Pinaniniwalaang napagtripang sunugin ang isang 54-anyos na lolo ng mga adik sa droga makaraang sunugin din ang kubo ng biktima sa Sitio Tres, Purok Tres, Barangay Bambang sa Bulacan, Bulacan, kahapon ng madaling-araw.

Ang biktima na animo’y nilitsong hayop ay nakilalang si Domingo Lactao at residente ng Barangay Sta. Ana, Bulacan, Bulacan, samantala, ang mga adik na hindi nakilala ay mabilis na nagsitakas sa hindi nabatid na direksyon.

Sa pagsisiyasat ni SPO4 Alberto Bituin, naitala ang krimen dakong alas-2 ng madaling-araw habang ang biktima ay natiyempuhang natutulog sa loob ng kanyang bahay.

Sinisisi naman ng mga residente ng lokal na pamahalaan at kapulisan ang kawalang aksyon sa paglaganap ng droga sa kanilang lugar na karamihang adik ay mga kabataan. (Ulat ni Efren Alcantara)

Show comments