5 supplier ng shabu sa Albay timbog
February 20, 2003 | 12:00am
KAMPO SIMEON OLA, Legazpi City Lima-katao na pinaniniwalaang supplier ng shabu sa Albay ang iniulat na nalambat ng pinagsanib na tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) at Phil. Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isinagawang drug-bust operation sa Barangay Bagtang, Daraga, Albay kamakalawa ng hapon.
Nakumpiskahan ng hindi nabatid na gramo ng shabu ang mga suspek na sina Zuchi Balindong, 42, ng Lanao del Sur; Evelyn Neri, 42, ng Guinobatan; Karim Minalang, 32; Jun Marohomsalic, 24, kapwa tubong Marawi City at Macque Marahom, 58, ng Iligan City.
Sa ulat ni P/Insp. Cesar Dalonos kay P/Supt. Alejandro Gutierrez, hepe ng CIDG sa Bicol, isinagawa ang operation bandang alas-3 hanggang alas-4 ng hapon at pinalalagay na ginagawang front ang pagbebenta ng mga pekeng VCD sa Legazpi, Ligao City at Tabo sa Albay. (Ulat ni Ed Casulla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended