^

Probinsiya

17 Sibilyan patay sa resbak ng MILF

-
COTABATO – Umaabot na sa labimpitong rebeldeng Moro Islamic Liberation Front (MILF) at sibilyan ang kumpirmadong nasawi sa panibagong bakbakan sa pagitan ng mga rebelde at tropa ng militar sa katimugang bahagi ng Mindanao malapit sa bayan ng Matanog kamakalawa, ayon sa tagapagsalita ng militar kahapon.

Ang muling pagsiklab ng sagupaan ay nagsimula kamakalawa nang tambangan ng mga rebeldeng MILF ang tropa ng militar na ikinasawi ng pitong sundalo. Ito ay ganti ng MILF sa naunang pagsalakay sa kanilang balwarte sa Buliok complex ng militar.

Sinabi ni Major Julieto Ando na inalarma na nila ang mga sundalo sa posibleng muling pagsalakay ng mga rebelde sa Abubakar, pinakamalaking balwarte ng MILF na ngayon ay tinayuan ng kampo ng militar.

Binalaan naman ng militar ang mga sibilyan na pansamantalang iwasan ang maglakbay sa highway sa tuwing sasapit ang dilim dahil na rin sa tumitinding banatan ng militar at rebelde.

Gayunpaman, ipinahayag ni Eduardo Ermita, chief government peace negotiator na isusulong pa rin nila ang peace talks sa mga rebeldeng MILF, ngunit sa kondisyong susundin ng mga rebelde ang nilagdaang ceasefire noong 2001.

Ipinagtanggol naman ni Ermita ang tropa ng militar sa ginawang pananakop sa Buliok complex dahil sa nilabag ng MILF ang kondisyon ng ceasefire na kupkupin ang grupo ng mga terorista at Pentagon Gang na sangkot sa kidnap-for-ransom.

vuukle comment

ABUBAKAR

BINALAAN

BULIOK

EDUARDO ERMITA

ERMITA

MAJOR JULIETO ANDO

MILITAR

MORO ISLAMIC LIBERATION FRONT

PENTAGON GANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with