Billman ideneklarang mayor ng Castillejos
February 19, 2003 | 12:00am
CASTILLEJOS, Zambales idineklara ng Commission on Elections (Comelec) First Division bilang tunay na nagwaging alkalde ng bayang ito noong May 14, 2001 elections si Mayor Wilma Billman.
Pinawalang-bisa din ng Comelec ang protesta ni Mayor Enrique Magsaysay laban kay Billman.
Sa isinagawang recounting ng Comelec ay lumitaw na nakakuha ng 3,975 boto si Billman habang si Magsaysay naman ay 3,597 ang boto.
Iprinoklama si Billman bilang nagwaging alkalde ng municipal board of canvassers subalit naghain ng protesta si Magsaysay kay Judge Eliodoro Ubiadas ng Olongapo City RTC na nagkaroon ng dayaan sa nakalipas na eleksyon hanggang italaga si Magsaysay bilang nagwaging alkalde at umakto sa loob ng 9 na buwan matapos paboran ng korte ang kanyang reklamo.
"Ngayon alam na ng mamamayan ng Castillejos kung sino ang tunay na alkalde at kung sino ang nanloloko sa tao kaya masaya ako dahil dininig ng Diyos ang dalangin ko na sana ay lumabas ang katotohanan," wika pa ni Mayor Billman sa Pilipino Star Ngayon.
Sa kasalukuyan ay magkasamang nag-oopisina sa ikalawang palapag ng municipal hall sina Billman at Magsaysay subalit umaasa naman ang supporters ni Billman na magbabalik sa normal ang takbo ng munisipyo sa sandaling tanggapin ni Magsaysay ang naging desisyon ng Comelec. (Ulat ni Jeff Tombado)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended