7 sundalo patay sa ambush ng MILF
February 19, 2003 | 12:00am
CAMP AGUINALDO Pitong sundalo ang nasawi habang 11 iba pa ang malubhang nasugatan matapos silang tambangan ng mga pinaghihinalaang miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) kahapon ng umaga sa Maguindanao.
Ayon sa ulat ni Gen. Generoso Senga, commanding general ng 6th Infantry Battalion ng Philippine Army, bandang alas-11 ng umaga kahapon ng tambangan ng mga hinihinalang MILF rebels ang mga sundalo sa Barangay Pinantao, Matnog ng nasabing lalawigan.
Nagawang manlaban ng mga militar sa mga rebelde kung saan ay tumagal ng ilang minuto ang palitan ng putok hanggang sa tuluyang tumakas ang mga MILF.
Lulan ng isang military truck ang mga miyembro ng 64th IB ng bigla silang paulanan ng bala ng mga hinihinalang rebeldeng MILF pagsapit sa Barangay Pinantao.
Pitong sundalo ang agad na nasawi habang 11 iba pa ang malubhang nasugatan sa naganap na labanan.
May hinala ang militar na paghihiganti ang motibo ng mga MILF dahil sa matagumpay na military operations sa Pikit, North Cotobato kung saan ay nabawi ang kanilang kampo. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Artemio Dumlao | 3 hours ago
By Cristina Timbang | 3 hours ago
By Joy Cantos | 3 hours ago
Recommended