Kasalukuyang nasa custody ng 21st Infantry Battalion ng Philippine Army ang mga rebeldeng sina Nicanor Lagsit, 24, Mark Anthony Hulay, 15, Albin Hubilla, 15, Michael Escober, 16, Renan Janer, 19, at Jagos Jestre, 25, at anim na menor-de-edad na lalaki na hindi binanggit ang mga pangalan na pawang residente ng Barangay Marinas, Sorsogon City.
Sa isinumiteng ulat kay P/Chief Supt. Rodolfo Tor, Bicol police director, nakorner ang anim bandang alas-8:15 ng gabi habang sakay ng dyip na ginamit sa paglusob sa police community precinct sa Sitio Gubat, Sorsogon noong Pebrero 14 ng gabi.
Napag-alaman sa ulat ng pulisya na ang kinulimbat na pampasaherong dyip ay pag-aari ni Angel Floralde ng Brgy. Tagdon, Barcelona na sinakyan naman ng may 15 rebelde saka isinagawa ang pagsalakay sa presinto.
Napatay sa pagsalakay ng mga rebelde sina SPO2 Danilo Doctoma, PO3 Ernesto Edrada, PO2 Albino Cadag na pawang alagad ng batas mula sa Gubat municipal police station at ang sibilyang nakilala sa pangalang Charlie. (Ulat ni Ed Casulla)