Libel sa PSN ibinasura
February 16, 2003 | 12:00am
Ibinasura ng City Prosecutors Office ang kasong libelo na isinampa ng magkapatid na Uri laban kina Tony Sandoval, provincial correspondent; Mario D. Basco, provincial editor ng Pilipino Star NGAYON at Rolando "Rey" Recto, konsehal ng Buenavista, Quezon dahil sa walang sapat na ebidensya na magdidiin sa tatlo.
Sa limang-pahinang resolution na may petsang Dec. 12, 2002 ni Special Prosecution Attorney Jaero Panopio Garcia, dinismis at inaprubahan ng City Prosecutors Office ang kasong libelo laban sa tatlo na isinampa ng magkapatid na Bienvenido at Emiliano Uri na nagmamay-ari ng minahan sa Brgy. Buenavista ng naturang lugar.
Ang dismissal letter ay ipinadala sa tanggapan ng PSN na may petsang Feb. 3, 2003.
Nag-ugat ang pagsasampa ng kasong libelo ng mag-utol na Uri laban sa tatlo makaraang mailathala sa PSN ang "Minero patay sa iligal na minahan" noong Setyembre 20, 2002.
Lumalabas na nakakuha ng impormasyon si Sandoval kay Recto tungkol sa minahan ng mag-utol na may namatay na minero kaya isinulat ito at inilathala naman ni Basco sa pahina ng probinsia ng PSN.
Ang tatlo ay nagsumite ng kanilang counter affidavit sa clarification hearing para malinawan ang naturang kaso.
Sa isinagawang preliminary investigation ni Atty. Jaero Panopio Garcia, lumalabas na walang masamang hangarin ang tatlo na ipalathala ang naganap na pangyayari sa nabanggit na minahan ng mag-utol. (Ulat ni Mario D. Basco)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest