Hukom sinibak ng SC
February 16, 2003 | 12:00am
Sinibak sa puwesto ang isang hukom sa Koronadal City, North Cotabato ng Supreme Court makaraang mapatunayang hindi magpakita ng mabuting halimbawa sa mga taong humaharap sa kanyang sala.
Sa 16-pahinang per curiam decision ng Supreme Court, sinibak sa puwesto si Judge Agustin Sardido ng Municipal Trial Court ng naturang lungsod.
Ang pagkakasibak kay Sardido ay bunsod ng inihaing mosyon ni Engr. Edgardo Torcende sa kanyang kaso na ibinasura ni Sardido.
Ngunit ang kalaban sa kaso ni Torcende ay nagsumite ng tatlong mosyon at pinagbigyan naman ni Judge Sardido kaya siya napilitang umapela sa Korte Suprema.
Napag-alaman pa sa Korte Suprema na pangatlong beses nang naparusahan si Sardido kaya tuluyang sinibak sa puwesto.
Sa desisyon ng Supreme Court, walang matatanggap na benepisyo si Judge Sardido at hindi maaaring pumasok sa alinmang sangay ng pamahalaan. (Ulat ni Gemma Amargo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest