Radio Commentator sugatan sa ambush
February 15, 2003 | 12:00am
Tandag, Surigao del Sur Masuwerteng nakaligtas sa tiyak na kamatayan ang isang hard hitting radio commentator at station manager ng DXRM radio nang dalawang beses na pagbabarilin ng dalawang di pa nakilalang armadong kalalakihan na lulan ng motorsiklo nitong Miyerkules ng hatinggabi sa bayang ito.
Kinilala ng pulisya ang biktima na nagtamo ng isang tama sa kaliwang dibdib at tiyan mula sa . 45 caliber pistol na ginamit ng dalawang gunmen na si Arvin Malasa.
Base sa imbestigasyon, si Malasa ay lulan ng kaniyang kulay puting motorsiklo pauwi sa kanilang tahanan sa Brgy. Mabunga may dalawang kilometro ang layo sa kabayanan ng Tandag ng dikitan at barilin ng mga suspect.
Ang pangyayari ay nasaksihan ni Ayrocendemi Medrano, General Manager ng Shalom Multi-Purpose Cooperative at Chairman ng Surigao del Sur Federation of Agricultural Cooperatives na lulan rin ng isa pang motorsiklo di kalayuan sa biktima.
Dalawang putok ng baril ang umalingawngaw kung saan ay tumilapon sa motorsiklo ang biktima na mabilis namang dinaluhan ni Medrano at isinugod sa Cuartero Hospital bago inilipat sa isang pagamutan ng gobyerno dito.
Base sa teorya ng mga awtoridad, posible umanong mga hired killers ang nagtangka sa buhay ng biktima bunga na rin ng pagiging sensitibo ng trabaho nito sa pagbatikos sa mga tiwaling opisyal ng gobyerno. Patuloy ang imbestigasyon sa kaso. (Ulat ni Ben Serrano)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest