Rapist na negosyante lusot sa bitay
February 15, 2003 | 12:00am
San Mateo, Rizal Nakaligtas sa bitay ang isang negosyante matapos na 17 taong pagkakabilanggo lamang ang igawad na hatol rito ng korte kaugnay ng pangmomolestiya sa isang menor de edad na prostitute sa bayang ito may dalawang taon na ang nakakaraan.
Sa 18 pahinang desisyon na ipinalabas ni Judge Jose Reyes Jr., ng Regional Trial Court (RTC) Branch 76, ang akusadong si David Santos, may-ari ng isang pabrika ng bakal, residente ng #14 Liamzon St., Brgy. Banaba ng bayang ito ay napatunayang guilty sa pangmo-molestiya sa 14 anyos na dalagita na itinago sa pangalang Maurita.
Kasabay nito, pinagbabayad rin ng korte si Santos ng halagang P100,000 bilang moral damages sa biktima na pumalag sa pangmo-molestiya nito.
Base sa rekord ng korte, ang insidente ay nangyari noong Oktubre 1, 2001 dakong alas 9:00 ng umaga sa ikalawang palapag ng tahanan ni Santos ng ibugaw umano ang biktima ng isang Pabling Cruz sa nasabing negosyante.
Napag-alaman na ang biktima umano ay naglayas sa kanilang tahanan na humantong sa pagkapariwara nito na wala pang muwang sa kamunduhan.
Bagaman lumilitaw sa paglilitis na ang biktima ay pumayag umanong magpahipo sa maseselang bahagi ng katawan nito sa suspect sa halagang P200.00 ay tumanggi naman itong makipag-sex sa akusado na nagpumilit umano.
Gayunman ng malaman ng ina ng bata ang ginagawa ng kaniyang anak ay agad niya itong hinanap at sinampahan ng kaso si Santos at dalawa pa umano nitong kasamahan.
Nabatid na tanging si Santos lamang ang nahatulan ng korte matapos na magpa-areglo ang pamilya ng biktima sa halagang P10,000 sa dalawa pang suspect subalit hindi tinanggap ang P100,000 na ibinabayad ng negosyante dahilan ito umano ang siyang talagang nangmolestiya sa dalagita at tumulong lamang ang mga kaibigan nito. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest