^

Probinsiya

ABC President itinumba

-
IBA, Zambales – Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang presidente ng Association of Barangay Chairman (ABC) ng mga hindi kilalang armadong kalalakihan na pinaniniwalaang mga rebeldeng New People’s Army (NPA) sa harap ng kanyang mag-ina sa Barangay Sta. Barbara sa bayang ito kamakalawa ng gabi.

Kahit tadtad ng tama ng bala ng baril ay isinugod pa rin ng ilang kapitbahay sa Ramon Magsaysay Hospital ang biktimang si Mario Payumo, barangay chairman ng naturang lugar.

Maskarado at pawang nakasuot ng camouflage ang mga rebelde na tumakas matapos na isagawa ang krimen bandang alas-7:40 ng gabi.

Napag-alaman sa ulat na isinumite ni P/Chief Insp. Laurence Mercado, Iba police precinct commander kay P/Sr. Supt. Jaime Calungsod, Zambales police director, kasalukuyang nagpapahangin at nakikipaghuntahan ang biktima sa kanyang mag-ina sa harap ng sariling bahay.

Dumating ang mga rebelde sa bahay ng biktima na nagsabing manghihiram lamang ng baril kasabay na pumasok ang ilan pang rebelde sa loob ng bahay ng pamilya Payumo.

Makaraang makuha ang nakatagong M-14 grenade launcher, shotgun, cellphone at portable radio ay kinaladkad naman papalabas ng bahay ang biktima habang yakap-yakap ng asawang umiiyak ng pasigaw.

Napag-alaman pa sa ulat na nagmamakaawa ang asawa sa mga rebelde na huwag patayin ang kanyang mister, ngunit tinuluyan pa ring patayin sa hindi pa nabatid na dahilan. (Ulat nina Erickson Lovino at Jeff Tombado)

vuukle comment

ASSOCIATION OF BARANGAY CHAIRMAN

BARANGAY STA

CHIEF INSP

ERICKSON LOVINO

JAIME CALUNGSOD

JEFF TOMBADO

LAURENCE MERCADO

MARIO PAYUMO

NAPAG

NEW PEOPLE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with