^

Probinsiya

Testigo sa isang kasong pagpatay, itinumba

-
PAGBILAO, Quezon – Isang obrero na pinaniniwalaang testigo sa pulis na may nakabinbing kasong administratibo ang pinagbabaril hanggang sa mapatay ng dalawang hindi kilalang lalaki habang ang biktima ay lulan ng pampasaherong bus kasama ang kanyang misis kamakalawa ng hapon sa Barangay Silangang Malicboy sa bayang ito.

Dalawang tama ng bala ng baril sa ulo ang tumapos sa buhay ni Remegio Mendoza, 46 ng Barangay manlayo, Guinyangan, Quezon.

Napag-alaman sa ulat na isinumite kay P/Sr. Supt. Ricardo Padilla, Quezon police director, naitala ang krimen bandang alas-4 ng hapon.

Nabatid pa sa ulat na ang biktima ay testigo laban kay SPO1 Bebiano Hernandez na kinasuhan ng administratibo sa Camp Guillermo Nakar sa Lucena City.

Inaalam pa ng mga imbestigador kung may kinalaman ang pagtestigo ng biktima laban sa kaso ni Hernandez. (Ulat ni Tony Sandoval)

BARANGAY SILANGANG MALICBOY

BEBIANO HERNANDEZ

CAMP GUILLERMO NAKAR

DALAWANG

LUCENA CITY

QUEZON

REMEGIO MENDOZA

RICARDO PADILLA

SR. SUPT

TONY SANDOVAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with