Habambuhay hatol sa trike killer
February 13, 2003 | 12:00am
CITY OF MALOLOS, Bulacan Habambuhay na pagkakulong ang inihatol ng mababang korte sa isang lalaki makaraang mapatunayang nakapatay sa trike driver noong Hulyo 1997 sa kahabaan ng DRT Highway na sakop ng Barangay Makinabang sa bayang ito.
Sa walong pahinang desisyon ni Malolos Regional Trial Court Judge Cesar Solis ng Branch 21, bukod sa hatol na habambuhay kay Andres San Jose ng Baliuag, Bulacan ay pinagbabayad pa ito ng P936,000 para sa limang taong kikitain ng biktima; P12,400 naman para sa funeral expenses at P50,000 para sa mga naulila ni Wilfredo Dela Cruz.
Base sa record ng korte, napatunayang sinaksak hanggang sa mapatay ang biktima saka tinangay ang trike, ngunit hindi binigyan ng timbang ng korte ang alibi ng akusado na wala siyang kinalaman sa naganap na krimen. (Ulat ni Efren Alcantara)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Cristina Timbang | 2 hours ago
By Doris Franche-Borja | 2 hours ago
By Cristina Timbang | 2 hours ago
Recommended