Namatay sa Nueva Ecija Doctors Hospital ang biktimang si SPO2 Aquino Abaya, 51, may asawa ng 189th PC compound, Burgos Avenue sa naturang lungsod.
Sumuko naman ang driver ng Hino bus (TWB-972) na si Antonio Torres Jr., 50, may asawa ng 72 Zapote St., Camarin, Caloocan City.
Nabatid sa inisyal na pagsisiyasat ng pulisya, naitala ang aksidente dakong alas-12:15 ng tanghali makaraang lumagpas ang bus sa nagbibiskletang biktima, ngunit nahagip at nakaladkad ng may ilang metro. (Ulat ni Christian Ryan Sta. Ana)