Ang mga nasawing biktima ay nakilalang sina Noel Tugas ng Block 6 Lot 14 Cartier St., Molino Homes I Subdivision; Roberto Mendoza ng Bacoor, Cavite; Romeo Nueva ng Mamburao, Occidental Mindoro; at Elizabeth De Claro.
Samantala, kaagad namang isinugod sa Perpetual Medical Center, Biñan Doctors Hospital, Ospital ng Muntinlupa at Asia Medical Center ang mga sugatang pasahero ng Melissa Transit Bus (DWJ-442); Gold Trans Shuttle Bus (NYJ-360); RMSA Shuttle Bus (TWF-390) at Isuzu Elf (VAB-597) na may lulang mga baboy.
Kinilala naman ang 23 sa 70 pasaherong malubhang nasugatan na sina Luis Pablo, Rosalie Yumagma, Melma Caraig, Melody Busa, Evelyn Cantria, Carlo Cedillo, Vicente Reisa, Maria Teresa Torres, mag-asawang Elenita at Alfredo Alegre; Chita Mondia, Rico Dela Cruz, Anzelmo Santillan, Christian Magpantay, Noriel Cabatian, Arland Abrera, Sally Dumugan, Ramil Macaraig, Emelita Berroya, Teresa Solis, Allen Sta. Ana, Annabel Gayano at Flordeliza Sugun.
Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon ng PNCC, naitala ang aksidente bandang alas-5:45 ng umaga sa kahabaan ng nabanggit na highway.
Nahagip ng pampasaherong bus na may lulang mga factory worker ang isang sasakyan kaya nawalan ng kontrol at nagtuluy-tuloy sa kabilang panig ng highway at sumalpok sa kasalubong na bus.
Hanggang sa magsalpukan ang dalawa pang bus dahil hindi naman kaagad nakapagpreno. (Ulat ni Ed Amoroso)