^

Probinsiya

3 opisyal ng barangay dinukot

-
CAMP SIMEON OLA, Legazpi City — Isang barangay chairman at dalawang barangay kagawad ang iniulat na dinukot ng mga hindi kilalang armadong kalalakihan sa kani-kanilang bahay sa Barangay Cueva, San Pascual, Masbate kahapon ng umaga.

Sina Leony Masarque, brgy. chairman; Bert Canete at Samson Barrameda na kapwa brgy. kagawad ay sunud-sunod na dinukot sa kanilang bahay bandang alas-6:30 ng umaga.

Sinabi ni P/Chief Supt. Rodolfo Tor, Bicol police director na inaalam na ng kanyang mga tauhan kung saan dinala ang mga biktima at motibo ng pangyayari. (Ulat ni Ed Casulla)
Anak pinatay ng ama dahil sa bisikleta
SAN JOSE CITY, Nueva Ecija — Pinagtataga sa leeg hanggang sa mapatay ang isang 26-anyos na lalaki ng sariling ama makaraang magtalo sa ipinahiram na bisikleta ng biktima sa kaibigan kamakalawa ng hapon sa Barangay Sibut sa lungsod na ito.

Halos mapugot ang ulo ng biktimang si Randy Ramos, samantala, sumuko naman ang ama na si Felix Ramos, 51, matapos magtalo bandang alas-3:45 ng hapon sa kanilang bahay.

Sa nakalap na impormasyon ng pulisya sa ilang kapitbahay, hindi nagkaintindihan ang mag-ama sa pinagtalunang pagpapahiram ng bisikleta. (Ulat ni Christian Ryan Sta. Ana)
Dalagita nilasing bago ni-rape
CAMP PANTALEON GARCIA, Cavite — Kasalukuyang nahaharap sa kasong rape ang dalawang lalaki makaraang ireklamo ng isang 15-anyos na dalagita sa Barangay Molino, Bacoor kamakalawa ng hapon.

Luhaang dumulog sa himpilan ng pulisya ang biktimang itinago sa pangalang Mila, estudyante ng nabanggit na barangay, samantala, kaagad namang nasakote ang mga suspek na sina Cornelio Inocente, 18, ng Dominic Addas, 2, at isang alyas Lary, 15, ng Aquino compound ng naturang lugar.

Sa pagsisiyasat ni SPO1 Rodolfo Arboleda, naitala ang krimen dakong alas-3 ng hapon makaraang malasing ng alak ang biktima saka isinagawa ang maitim na balak ng dalawa. (Ulat ni Cristina Go-Timbang)
4 timbog sa P.2-M shabu
CAINTA, Rizal — Apat-katao na pinaniniwalaang kasapi ng malaking sindikato ng droga ang iniulat na inaresto ng mga alagad ng batas makaraang makumpiskahan ng P.2-milyong shabu sa isinagawang drug-bust operation sa Barangay San Andres, Cainta, Rizal kamakalawa ng madaling-araw.

Hindi na nakapalag pa sina Angelo San Pedro, 32; Haron Malang, 24; Joboy Vizcara, 26; at Ronnie Asuncion, 29, na pawang residente ng nabanggit na barangay.

Sa ulat ni P/Senior Insp. Arthur Masungsong, hepe ng Rizal Special Operation Group (SOG), isinagawa ang drug operation bandang alas-4:15 ng madaling-araw makaraang makatanggap ng impormasyon mula sa asset ng pulisya. (Ulat ni Joy Cantos)

ANGELO SAN PEDRO

ARTHUR MASUNGSONG

BARANGAY

BARANGAY CUEVA

BARANGAY MOLINO

BARANGAY SAN ANDRES

BARANGAY SIBUT

BERT CANETE

ULAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with