2 mag-asawang matanda minasaker
February 11, 2003 | 12:00am
Dalawang mag-asawang matanda ang iniulat na minasaker ng mga hindi kilalang armadong kalalakihan noong Biyernes ng gabi, Pebrero 7, 2003 sa magkahiwalay na bayan ng Ilocos Sur at Pangasinan.
Kinilala ng mga alagad ng batas ang mga nasawing biktima na sina Yabelino Eugenio Sr., 75, asawang si Marcela, 70, na kapwa residente ng Barangay Canarvacanan, Alcala, Pangasinan.
Napatay din ang mag-asawang sina Eduardo Cobleta, 72, at Beatriz, 68, samantala, malubhang nasugatan ang anak na si Jaime at utol ni Beatriz na si Gregoria Tibuk, 63, na pawang naninirahan sa Laoingan, Sto. Domingo, Ilocos Sur.
Batay sa nakalap na ulat mula sa Pangasinan provincial police office, ang mag-asawang Eugenio ay pinagtulungang tagain at barilin ng mga hindi kilalang armadong kalalakihan habang ang dalawa ay natutulog sa kanilang bahay.
Inaalam pa ng pulisya ang motibo ng pamamaslang.
Samantala, ang mag-asawang Cobleta ay pinagtataga hanggang sa mapatay makaraang makipagtalo ang matandang lalaki sa mga suspek habang nakikipag-inuman sa bayan ng Laoingen, Sto. Domingo, Ilocos Sur.
Sa ulat na nakalap mula sa Camp Elpidio Quirino, isa sa mga suspek ay nakilalang si Ricardo Molina na nagtamo rin ng dalawang tama ng bala ng baril sa katawan at ngayon ay masusing binabantayan para hindi makatakas.
Wala pang malinaw na motibo sa naganap na krimen. (Ulat nina Cesar S. Ramirez/Myds Supnad)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended