Police captain tiklo sa droga
February 11, 2003 | 12:00am
CAMP CRAME Tatlo-katao kabilang ang isang police captain ang nasakote ng mga barangay tanod sa isinagawang drug- bust operation sa Tarlac City kamakalawa.
Kinilala ang mga suspek na sina P/Sr. Insp. Dante Gacatan ng Phil. Drug Enforcement Agency (PDEA) sa DPS compound, Baguio City; Gilbert Dangpasan, ng Purok 4, Bulinao, Tapuk, Kalinga at Myrna Nucom, 44, ng Sitio Matatalaib, Tarlac City.
Sa ulat na nakarating kahapon sa Camp Crame na isinumite ng opisyal ng PDEA 3, nakatakdang bumili ng shabu sina Gacatan at Dangpasan kay Nocum at patungo na sa Metro Town Mall sa Tarlac City.
Habang binabagtas ng dalawa ang kahabaan ng highway ay pinara sila ni Barangay Councilor Fernando Fernando at mga kasamang barangay tanod.
Nagpakilalang police captain si Gacatan sa mga barangay tanod na magsasagawa siya ng drug-bust operation, ngunit walang maipakitang dokumento.
Lingid sa dalawang suspek ay nasakote na si Nocum at ikinanta na si Gacatan at Dangpasan na bibili ng nakumpiskang apat na gramo ng shabu.
Pormal na sasampahan ng kaukulang kaso ang tatlong suspek na iniuugnay sa droga ngunit hindi naman nakuha ang panig ni Gacatan para magpaliwanag sa naganap na pangyayari. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended