5 NPA sumuko

CAMP AGUINALDO — Dahil sa matinding kahirapang nararanasan sa kagubatan ay nagpasyang sumuko ang limang rebeldeng New People’s Army (NPA) sa mga opisyal ng Army’s 7th Special Forces Battalion sa Barangay Mindupuk, Maitum, Saranggani kamakalawa ng tanghali.

Kabilang sa nagsisuko ay nakilalang sina Minta "Ka Gambat" Bansalao; Peling Guinang; Sanggagan Bansalao; Dodong Bansalao at Panguilima Bansalao na pawang residente ng Barangay Sapu, Masla, Malapatan.

Isinuko rin ng mga rebelde ang kanilang armas habang isinailalim naman sila sa tactical interrogation ng militar. (Ulat ni Joy Cantos)

Show comments