^

Probinsiya

17 grabe sa road mishap

-
CAMP AGUINALDO — Labimpito-katao kabilang ang dalawang kawal ng Philippine Army ang iniulat na malubhang nasugatan makaraang sumalpok sa punongkahoy ang sinasakyang military truck ng mga biktima sa kahabaan ng Ramon Magsaysay Highway, Zamboanga del Sur, ayon sa ulat kahapon.

Kaagad namang isinugod sa Egano Community Hospital at Aurora General Hospital sina Sgt. Richard Pilande at isang kawal na nakilala lamang sa pangalang Sgt. Itum.

Kabilang sa malubhang nasugatan ay sina Caryn Mae del Rosario, 9; Ruby Laspeñas, 26; Neica Adaalem, 2; Elvie Lugbugan, 20; Edlim Quilicot, 22; Kim Quilicot, 3; Clark Cent Lugbugan, 5; April Ivy Adalem, 23; Rosita Ordeliza, 39; Klem Quilicot, 5; Allan del Rosario, 30; Ruth Sunogan, 53; Dalton Sonogan, 26, at Alyn Mission, 31; at ang isa pang inaalam ang pagkikilanlan.

Sa ulat na nakarating kahapon sa Camp Aguinaldo, naitala ang aksidente dakong alas-5:30 ng hapon makaraang iwasan ng military truck ang kasalubong na sasakyan kaya sumalpok sa punongkahoy.

Napag-alaman na nakisakay lamang ang mga sugatang sibilyan sa M35 Army truck ng Area Support Command patungo sa Panakan, Davao City nang maganap ang aksidente. (Ulat ni Joy Cantos)

ALYN MISSION

APRIL IVY ADALEM

AREA SUPPORT COMMAND

AURORA GENERAL HOSPITAL

CAMP AGUINALDO

CARYN MAE

CLARK CENT LUGBUGAN

DALTON SONOGAN

DAVAO CITY

EDLIM QUILICOT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with