Turistang Hapones kinidnap sa beach resort
February 9, 2003 | 12:00am
CEBU CITY Isang turistang Hapones na pinaniniwalaang kinidnap ang iniulat na nawawala makaraang lumabas ng tinutuluyang hotel sa beach resort malapit sa Lapu-Lapu City noong Enero 30, 2003, ayon sa ulat ng pulisya kamakalawa.
Tinukoy ng mga imbestigador ang biktimang si Ryohei Sato, 70, ng Matsu, Japan na simula nang lumabas ng kuwarto ang Hapones ay hindi na nakabalik pa.
Batay sa ulat ni P/Supt. Paquito Belendres, inabisuhan na ng mga opisyal ng hotel ang pulisya tungkol sa pagkawala ng biktima.
Nabahala ang opisyal ng hotel dahil papaalis na ang biktima patungong Japan noong Pebrero 1 at inabisuhan na ang Japanese consul na pinaniniwalaang kinidnap ng mga armadong kalalakihan.
Magugunitang kinidnap ang isang negosyanteng Hapones na si Hazumitsu Hashiba noong nakalipas na buwan sa Mindanao at pinaniniwalaang nagbigay ng malaking halaga kaya pinalaya.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest