Kinilala ni P/Sr. Supt. Bernardo Bondoc, Chief ng PDEA ang mga nadakip na sina Roland Bae, 31 alyas Roland, live-in partner nito na si Elena Aguilar, 25 at Alberto Coyoca, 21, alyas Berto; pawang naninirahan sa Tabun, Kawit, Cavite.
Base sa impormasyong nakalap, ang grupo ng mga suspect ang pangunahing supplier ng shabu sa Kawit at sa iba pang bayan ng Cavite.
Gayundin may malaking koneksiyon umano ang mga suspect sa ibat-ibang lokal na drug syndicates sa Calabarzon area.
Nabatid na dakong alas 7:30 ng gabi kamakalawa nang masakote ang mga suspect matapos na makipag-deal sa mga ito ang undercover agent ng PDEA sa kahabaan ng National Highway ng Brgy. Tabum sa Bayan ng Imus.
Hindi na umano nakapalag ang mga suspect matapos makorner ng mga awtoridad.
Nasamsam mula sa pag-iingat ng mga suspect ang dalawang plastic na naglalaman ng 200 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P400,000 na nakalagay sa isang paper bag, isang owner type jeep na may plakang DPM 833 na ginagamit ng mga ito sa kanilang illegal na operasyon at P500 marked money. (Ulat ni Ed Amoroso)