Lolo inabandona ng pamilya nag-suicide
February 8, 2003 | 12:00am
Camp Crame Matapos na hindi makayanan ang sobrang kalungkutan nang abandonahin ng kaniyang mga anak, nag-suicide sa pamamagitan ng pagbaril sa sentido ang isang 63 anyos na lolo kamakalawa sa Davao City.
Kinilala ang nasawing biktima na si Conrado Tabuquilde, residente ng #962 Sobrecarey St., na matatagpuan sa panulukan ng Loyola St. at Brgy. Obrero ng lungsod na ito.
Base sa ulat, dakong alas 9:30 ng umaga nang matagpuan ang duguang katawan ng biktima sa loob ng kuwarto nito sa nabanggit na lugar.
Ayon sa salaysay ni Noel Paraiso, estudyante at boarder ni Tabuquilde, dakong alas 7:30 ng umaga nang makarinig siya ng dalawang putok ng baril sa loob ng kuwarto ng biktima.
Pinaniniwalaan namang nagawang kitilin ng biktima ang kaniyang buhay dahilan sa pagiging problemado umano nito sa buhay habang patuloy pa rin ang isinasagawang pagsisiyasat upang alamin kung may naganap na foul play sa insidente.
Nakuha sa pinangyarihan ng insidente ang isang homemade na caliber .38 revolver na may apat na bala, dalawang empty shell nito at isa pang bala mula sa hindi pa mabatid na kalibre ng armas. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended