8 Preso pumuga
February 8, 2003 | 12:00am
Daraga, Albay Walong preso na pawang may mabibigat na kasong kriminal ang tumakas sa pamamagitan ng paglagare sa rehas na bakal ng bintana ng kanilang detention cell sa Albay, Provincial Jail sa Brgy. Tagas ng bayang ito kahapon ng madaling araw.
Ang mga pugante ay kinilalang sina Allan Ofemaria, lider ng grupo; Felizardo Gonales, Arnold Barceles, Edwin Reglos, Richard Bea, William Nasayao, Narciso Deabonico at Rodito Dacillo.
Batay sa inisyal na ulat ni Ramon Velasco, jail warden ng Albay Provincial Jail, ang naturang mga preso ay tumakas sa pagitan ng ala-1:30 hanggang alas-2:30 ng madaling araw.
Lumilitaw sa imbestigasyon na matapos malagare ang rehas na bakal ng bintana ng kanilang selda ay tumalon sa likurang bahagi ng compound at saka mabilis na nagtatakbo ang naturang mga bilanggo.
Nabatid lamang ang pagtakas ng walong preso matapos magsagawa ng headcount ang mga bantay ng selda kung saan ay sampung preso na lamang ang natira sa kulungan.
Hindi umano namalayan ng mga miyembro ng Daraga PNP at ng mga Provincial guard ang isinagawang pagtakas ng mga bilanggo kung saan ay sinamantala umano ng mga ito ang malakas na pagbuhos ng ulan.
Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon upang matukoy kung sino ang nagpabaya sa pagkakatakas ng nasabing mga bilanggo. (Ulat ni Ed Casulla )

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest