SBFCC umapela kay GMA

Dismayado ang mga investor at trabahador sa Subic Bay Freeport sa kumakalat na balitang magkikilos-protesta ang ilang grupo sa labas ng Freeport dahil maaantala ang operasyon ng kanilang negosyo.

Umapela naman ang pamunuan ng Subic Bay Freeport Chamber of Commerce kay Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo para makagawa ng kaukulang hakbangin na masawata ang isasagawang kilos-protesta.

Sinabi ni Jose Saddul, SBFCC president na anumang uri ng kilos-protesta ay makakagambala sa operasyon ng kanilang negosyo na posibleng mauwi sa pagkalugi ng multi-milyong dolyar.

Naniniwala naman ang mga opisyal ng SBFCC na tutulungan sila ng Pangulo katulad noong magkilos-protesta ang ilang grupo may dalawang taon na ang nakalilipas. (Ulat ni Jeff Tombado)

Show comments