Animoy kinatay na hayop ang katawan ni Tirso Pajena, 46, may asawa, samantala, ang mag-utol na suspek na ngayon ay tinutugis ay nakilalang sina William, 38 at Leonilo Bermas, 21, kapwa binata at pawang naninirahan sa nabanggit na barangay.
Sa pagsisiyasat ni SPO2 Marcelino Uy, naitala ang krimen dakong alas-9:30 ng gabi sa labas ng bahay ng biktima at mag-utol.
Sa inisyal na pagsisiyasat ng pulisya, magkasama ang linya ng kuryente ng biktima at mag-utol kaya kalimitan ay naghahati sa nakunsumong bill sa Meralco.
Napag-alaman ng pulisya na hindi pumayag ang biktima sa tinuran ng mag-utol na magbayad ng malaking halaga sa nakunsumong kuryente.
Ikinatuwiran naman ng magkapatid na mas maraming appliances ang biktima kaya dapat na magbayad ng malaking halaga.
Hanggang sa magkasigawan at humantong sa mainitang pagtatalo na nauwi sa pamamaslang. (Ulat nina Tony Sandoval/ Celine Tutor)