^

Probinsiya

Obrero pinatay dahil sa kuryente

-
LUCENA CITY – Pinagtulungang tadtarin ng itak hanggang sa mapatay ang isang obrero ng magkapatid na lalaki makaraang hindi magkasundo sa bill ng kuryente kamakalawa ng gabi sa Purok Ilang-Ilang, Barangay Isabang sa lungsod na ito.

Animo’y kinatay na hayop ang katawan ni Tirso Pajena, 46, may asawa, samantala, ang mag-utol na suspek na ngayon ay tinutugis ay nakilalang sina William, 38 at Leonilo Bermas, 21, kapwa binata at pawang naninirahan sa nabanggit na barangay.

Sa pagsisiyasat ni SPO2 Marcelino Uy, naitala ang krimen dakong alas-9:30 ng gabi sa labas ng bahay ng biktima at mag-utol.

Sa inisyal na pagsisiyasat ng pulisya, magkasama ang linya ng kuryente ng biktima at mag-utol kaya kalimitan ay naghahati sa nakunsumong bill sa Meralco.

Napag-alaman ng pulisya na hindi pumayag ang biktima sa tinuran ng mag-utol na magbayad ng malaking halaga sa nakunsumong kuryente.

Ikinatuwiran naman ng magkapatid na mas maraming appliances ang biktima kaya dapat na magbayad ng malaking halaga.

Hanggang sa magkasigawan at humantong sa mainitang pagtatalo na nauwi sa pamamaslang. (Ulat nina Tony Sandoval/ Celine Tutor)

BARANGAY ISABANG

CELINE TUTOR

HANGGANG

IKINATUWIRAN

LEONILO BERMAS

MARCELINO UY

MERALCO

PUROK ILANG-ILANG

TIRSO PAJENA

TONY SANDOVAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with