2 dedo, 2 nawawala sa lumubog na bangka
February 6, 2003 | 12:00am
CAMP SIMEON OLA, Legazpi City Dalawa-katao ang kumpirmadong nasawi, samantalang dalawa pa ang iniulat na nawawala makaraang lumubog ang sinasakyang bangka ng mga biktima sa karagatang sakop ng Sitio Pulang Daga, Barangay Bagumbayan Paracale, Camarines Norte kamakalawa ng umaga.
Kinilala ng pulisya ang dalawang nalunod na biktima na sina Flora Flordeliz, 35 at Maryann Flordeliz, 5 na kapwa residente ng Pinatigasan, Calaguas Island, samantala, hinahanap naman ng mga rescue worker sina Felimon De Los Santos, 35 at Maria Christina Flordeliz, 14 na pawang residente ng nabanggit na isla.
Sa inisyal na pagsisiyasat ng mga awtoridad, naitala ang pangyayari bandang alas-10 ng umaga makaraang hampasin ng malaking alon ang bangka na naging sanhi upang lumubog. (Ulat ni Ed Casulla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest