^

Probinsiya

2 patay sa sunog

-
TACLOBAN CITY – Dalawa-katao ang iniulat na tinupok ng apoy, samantala, 500 pamilya ang nawalan ng bahay sa naganap na sunog sa Barangay Canlapwas, Catbalogan, Samar kamakalawa ng gabi.

Sinabi ni Alfredo Fuego, regional director ng Civil Defense Office na aabot sa P30-milyong ari-arian ang naabo dahil sa nasunog na 250 kabahayan.

Nagsimulang kumalat ang apoy bandang alas-7:15 ng gabi hanggang sa maapula dakong alas-9:30, ayon kay P/Sr. Supt. Virgilio Remedio.

Sa inisyal na imbestigasyon ni FO2 Mateo Correche, nagsimula ang apoy sa bahay ni Demetrio Babael at dahil sa malakas ang hangin ay mabilis na kumalat sa kalapit bahay hanggang sa matupok ang 250 bahay.

Inaalam ang pagkikilanlan ng mga nasawing biktima na isa ay matandang babae na pinalalagay na hindi kaagad nakalabas ng bahay.

Samantala, aabot sa 210 pamilya ay nailikas na sa Samar provincial gymnasium, ayon kay Luz Tacal, provincial Social Welfare Officer. (Ulat ni Miriam Garcia Desacada)

ALFREDO FUEGO

BARANGAY CANLAPWAS

CIVIL DEFENSE OFFICE

DEMETRIO BABAEL

LUZ TACAL

MATEO CORRECHE

MIRIAM GARCIA DESACADA

SAMAR

SOCIAL WELFARE OFFICER

SR. SUPT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with