^

Probinsiya

Seguridad kay Ople pinatindi

-
HAGONOY, Bulacan – Ipinahayag kahapon ni Hagonoy Mayor Felix Ople na Lalong pinaigting ang seguridad ng kanyang ama na si Foreign Affairs Secretary Blas Ople makaraang mapabilang sa listahan ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) na isa sa lilikidahin.

Sinabi ni Mayor Ople na isa ang kanyang ama na nasa hit list ng NPA dahil sa paglahok na mahikayat ang mga lider sa bansang Europa na pabalikin sa bansa si self-exiled communist leader Jose Ma. Sison para harapin ang kasong pagpatay kay dating Congressman Rodolfo Aguinaldo.

Aniya na ang Department of National Defense (DND) ay nagpadala na ng personnel para bantayan si Sec. Ople kabilang na ang kanyang pamilya.

Gayunpaman, bineripika ni Mayor Ople ang kumalat na balita sa nasasakupang bayan at lumalabas na negatibo ang banta sa kanilang buhay pero para masiguro ay bibigyan namin ng pansin ang ganitong pangyayari.

Ayon pa kay Mayor Ople na darating ang anumang masamang mangyayari sa hindi inaasahan.

"Ayaw kong maasiwa ang aking mga kababayan kapag nakikipag-usap sa akin dahil sa maraming nakapaligid na security personnel mula sa DND," ani Hagonoy Mayor Ople.

"Baka maapektuhan ang paglilingkod natin sa taumbayan kapag nagpatuloy ang ganitong kondisyon," dagdag pa ni Mayor Ople. (Ulat ni James Mananghaya)

CONGRESSMAN RODOLFO AGUINALDO

DEPARTMENT OF NATIONAL DEFENSE

FOREIGN AFFAIRS SECRETARY BLAS OPLE

HAGONOY MAYOR FELIX OPLE

HAGONOY MAYOR OPLE

JAMES MANANGHAYA

JOSE MA

MAYOR OPLE

NEW PEOPLE

OPLE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with