2 NPA, kawal todas sa sagupaan
February 6, 2003 | 12:00am
LEGAZPI CITY Dalawang rebeldeng New Peoples Army (NPA) at isang kawal ng militar ang kumpirmadong napatay sa sampung minutong sagupaan noong Martes ng hapon sa Barangay Mayon, Castilla, Sorsogon.
Kinikilala pa ng mga tauhan ni Col. Pedrito Magsino ng 901st Infantry Brigade ang dalawang NPA rebels, samantala, sa panig ng militar ay napatay naman si Private First Class Sonny Balboa ng Phil. Army na nakatalaga sa Monte Carmelo Patrol Base sa Barangay Monte Carmelo sa naturang lugar.
Ayon kay Magsino, nakatanggap ng impormasyon ang kanyang mga tauhan na may mga armadong kalalakihan sa loob ng rice mill sa Sitio Cubao bandang alas-4:25 ng hapon noong Martes.
Kaagad namang tinungo ng tropa ng militar kasama ang ilang kasapi ng Civilian Armed Auxiliary (CAA) ang naturang rice mill ngunit sinalubong sila ng unang sunud-sunod na putok kaya napuruhan si Balboa.
Mabilis namang nagsitakas ang mga rebelde makaraang malagasan ng dalawa.
Nakorner naman ang tatlong sugatang rebelde na sina Bienvenido Mirabel at Edwin Malaca habang ang isa ay dinala sa Estevez Memorial Hospital dahil sa matinding tama ng bala sa katawan at kasalukuyang inaalam ang pangalan. (Ulat ni Celso Amo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended